Posted

DRIVER

Gabriella Saleshe R. Rivera 
Gabby Lynn R. Rivera
Andre Karl O. Rivera
Carlo David R. Rivera
Maria Chelo R. Rivera

Zulues Gene  C. Suarez
Alain Gene L. Suarez
Alexie Ann C. Suarez
Heneshe Gene C. Suarez
Thea Gene C. Suarez

Matthew Jay Alianza
Sarah Mae Fabiola


Alam ni Gabriel na hindi sila mayaman, mula pagkabata ay palagi siyang sumasama sa tatay niya upang pumasada sa malawak na karsada upang maghanap-buhay. Hindi lingid sa kanya na ang kahirapan dahil sinabi ng mga magulang niya na pagtatapusin nila sila ng pag-aaral sa abot ng kanilang makakaya. Sa edad na kinse ay, natututo siyang magmaneho ng jeep dahil narin sa kanyang hangarin na tumulong sa kanyang mga magulang. Mabuti na lang at binayayaan sila ng talino at iskolar sila sa paaralang pinapasokan nila. Pero darating ang pagsabok sa buhay nila na mawawalan ng hanap-buhay ang kanyang magulang. At nagdesisyon siyang maging personal driver sa isang mayamang pamilya. Sa edad na diseotso ay, pinagsabay niya ang pagiging driver at pagiging estudyante. Paano kung susundan parin siya ng problema at maghahatid ito ng kalungkutan para sa kanyang sarili.

Chapter One 

Nagmulat ako mula pagkabata na hindi kami mayaman, isang jeepney driver lang ang aking tatay at panlalabada lang ang tanging pinagkukunan ng hanap-buhay ng aking ina. Sa edad na syete ay suma-sama ako sa tatay kung pumasada sa lungsod ng lapu-lapu. 

Ala singko ng umaga ay maaga akong nagising upang makapagsain ng kanin gamit lang ang patay na kahoy. Umaga pa lang ay gising na kami para sa linggong ito. Ganito ang buhay namin sa barrio namin pulos kami mahihirap at umaasa lang sa pagkain sa dagat kung hindi man ay sa mga delata na nabibili lamang sa halagang kinse pesos.

"Yela." agad kong pinuntahan si Nanay sa harapan.

"Bakit nay?" 

"Umutang ka muna kay Aling delya kahit isang sardinas lang at itlog para sa agahan natin, wala na pala tayong tuyo, naubos kahapon." tumango ako at pinuntahan ang kapatid kong lalaki.

"Carlo, pakibantay muna sa sinaing ko." 

"Sige ate." agad naman itong pumunta sa likod.

Naabutan ko pa si Tatay na naghahakot ng kahoy. 

"Saan ka pupunta Ela?" tanong nito

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento